Maharlika bill nakarating na sa plenaryo ng Senado

180 Views

NAKARATING na sa plenaryo ng Senado ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Si Senate Committee on Banks, Financial Institutions, and Currencies chairman Mark Villar ang nag-sponsor ng Senate Bill 2020 sa plenaryo tatlong linggo matapos ang isinagawang pagdinig ng komite.

Ayon kay Villar malaki ang maitutulong ng Maharlika Fund upang maipagawa ang mga malalaking infrastructure project na ieendorso ng National Economic Development Authority (NEDA).

Sa ilalim ng SB 2020, ang paunang kapital ay manggagaling sa investible fund ng Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at dividend remittance ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang share ng national government sa Philippine Amusement and Gaming Corporation, at kikitain ng gobyerno sa mga isasagawang pagsasapribado ng asset ng gobyerno.