Fajardo

Mahigit 1,000 nahuli sa paglabag sa gun ban

258 Views

MAHIGIT 1,000 katao na ang naaresto sa paglabag sa gun ban na ipinatutupad kaugnay ng 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo nasa 1,063 gun ban violators na ang nahuli hanggang noong Setyembre 28.

Sa mga naaresto, 1,017 ang sibilyan at ang nalalabi ay law enforcement, security guard, at halal na opisyal ng gobyerno.

Ang mga nahuli ay hindi lamang umano sa mga inilatag na checkpoint kundi kasama ang mga naaresto sa mga operasyon ng pulisya.

Ipinatutupad ang gun ban mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29.