Alalahanin ngayong Pasko mga biktima ng bagoy — PBBM
Nov 18, 2024
Ogie sa pagpo-produce kay Liza: Ako pa ba?
Nov 18, 2024
Catriona nagmukhang naka-apron sa Miss U
Nov 18, 2024
Calendar
Nation
Mahigit 15K security personnel ipakakalat sa inagurasyon ni PBBM
Peoples Taliba Editor
Jun 25, 2022
179
Views
MAHIGIT sa 15,000 security personnel umano ang ipakakalat sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.
Makakatuwang umano ng mga pulis sa pagbabantay ang sundalo, Coast Guard personnel at iba pang force multiplier, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Bubuhayin rin umano ang Task Force Manila Shield dalawang araw bago ang inagurasyon na gagawin sa National Museum sa Ermita, Manila.
Mayroon ding mga itatayong mga checkpoint at chokepoint sa mga daan papunta sa Maynila tatlong araw bago ang panunumpa ng ika-17 Pangulo ng Republika.
Ipagbabawal din ang rally malapit sa lugar ng inagurasyon at magtatalaga ng mga freedom park na maaaring magamit ng mga magsasagawa ng kilos protesta.
Alalahanin ngayong Pasko mga biktima ng bagoy — PBBM
Nov 18, 2024
Batangas City mayor tumanggap ng award sa USAID, MBC
Nov 18, 2024