Calendar

Metro
Mahigit 1k aksidente sa motorsiklo naitala sa Commonwealth Avenue, QC
Peoples Taliba Editor
Oct 21, 2022
324
Views
MAHIGIT 1,000 aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng motorsiklo ang naitala sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) 1,010 ang naitalang motorcycle-related accident sa naturang kalsada mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Sinabi ni MMDA spokesperson Atty. Melissa Carunungan na bilang na ito siyam ang nagsresulta sa pagkamatay at 557 ang non-fatal injury.
Inaprubahan na ang Metro Manila Council ang paglalagay ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue na maaari umanong simulan sa Nobyembre.
Bukod sa paglalagay ng mga markings, sinabi ni Carunungan na magsasagawa rin ng dry run para sa bagong polisiya bago magsimula ang hulihin.
Patay na babae nakita sa bundok ng basura sa Payatas
May 14, 2025