Remulla

DOJ: Nag-utos sa pagpaslang kay Percy Lapid nasawi sa loob ng kulungan

Hector Lawas Oct 21, 2022
111 Views

PATAY na umano ang preso na sinasabing nagsilbing middleman sa pagpatay sa mamamahayag na si Perci Lapid.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nasawi ang naturang preso sa loob ng National Bilibid Prison noong Martes ng hapon.

Isang otopsiya umano ang isinasagawa upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng naturang preso.

Noong Martes ng umaga ay iniharap sa media si Joel Escorial, ang self confessed gun man.

Sinabi ni Escorial na binayaran ang kanilang grupo ng P550,000 at ang utos ay galing umano sa loob ng NBP.

Si Mabasa ay pinatay noong Oktobre 3 sa Las Piñas City.