Calendar
Metro
Snatcher arestado sa paghablot sa bag ng dating aktres
Peoples Taliba Editor
Oct 22, 2022
501
Views
ARESTADO ang 30-anyos na lalaki na siya umanong humablot sa bag ng isang dating artista sa Quezon City.
Nahaharap ngayon sa kasong robbery snatching ang suspek na si Abdul Mohammad Bocua, residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Nag-aayos umano ng gamit sa sasakyan ang biktimang si Hazel Espinosa sa tapat ng E.B. Davantes Aesthetic Clinic sa No. 28 E. Scout Tuazon St., Brgy. Laging Handa, Quezon City, nang hablutin ng suspek na nakasakay sa motorsiklo ang kanyang bag.
Nakuhanan ng CCTV ang pangyayari.
Nahanap ang lokasyon ng suspek sa tulong ng GPS ng mga gadget ng biktima.
Narekober umano sa suspek ang dalawang cellphone at iPad mini ng biktima.
2 lalaki ninakawan security agency, huli
Oct 30, 2026
Binata siningil sa P100K na utang, 3 tao minartilyo
Oct 30, 2026
