Martin1

Mahigit 1K mangingisda, seniors sa Palawan pinabigyan ni Speaker Romualdez ng ayuda

120 Views

UMABOT sa 1,589 na mga mangingisda na apektado ng West Philippine issue at mahihirap na senior citizen sa Palawan ang pinabigyan ng ayuda ni house Speaker Martin Romuladez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inabutan ng Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) sa pamamagitan ng cash ng DSWD sa bayan ng Aborlan, Palawan.

Si Speaker Romualdez and tumatayong caretaker ng district 3 ng Palawan matapos pumanaw si Rep. Edward Hagedorn.

“Inilapit sa atin nina Cong. Jose Alvarez at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang hinaing ng mga mangingisda pati na ang mga mahihirap na senior citizen sa nasabing bayan sa Palawan.”

Ani Speaker Romualdez, “Sumbong sa akin ng mga fishermen doon, lubhang naapektuhan ang kita nila dahil lagi silang tinataboy ng mga Chinese Coast Guard”.

Nauna ng pinaabutan ni Romualdez ng scholarship grant ang may 600 students na pawang anak din ng mga mangingisda doon.

Personal na dinalaw ni Speaker Romualdez ang lugar noong nagdaang linggo para marinig niya mismo ang mga problema ng mga residente doon.

“Now we heard their problems, syempre gagawan natin ng paraan. after all, para ano pa na naging representative tayo nila sa kongreso,” pahabol ni Romualdez.