Vergeiri

Mahigit 200 kaso ng RSV naitala ng DOH

225 Views

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mahigit 200 kaso ng espiratory syncytial virus (RSV), isang contagious airborne illness na nagpaparami sa mga pasyente sa ospital sa Estados Unidos.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nakapagtala ng 221 kaso ng RSV sa mga bata mula Enero 1 hanggang Agosto 31. Walang napaulat na namatay sa mga nahawa.

Bagamat ang mga bata na edad lima pababa ang kalimitang nahahawa nito, sinabi ng DOH na maaari ring mahawa ang mga mas matatanda.

Ang mga nahahawa nito ay nakararanas ng flu-like symptoms gaya ng lagnat, ubo, at sipon na katulad ng mga sintomas ng COVID-19.

“This is contagious even to seniors … because this is airborne. We need to make our kids healthy and vaccinated to stay protected and keep the vulnerable population safe,” sabi ni Vergeire.

Sa Estados Unidos ay tumaas ang bilang ng mga nahawa ng RSV na nagparami ng bilang ng mga pasyente sa ospital.