Leyte

Mahigit 2K magsasaka sa Leyte nakatanggap ng cash aid mula sa FARM Program

103 Views

UMABOT sa 2,044 magsasaka mula sa bayan ng San Miguel sa Leyte ang nakatanggap ng cash assistance na may kabuuang halagang mahigit P10 milyon sa ilalim ng Farmers’ Assistance for Recovery and Modernization (FARM) Program ng administrasyong Marcos.

Pinangunahan ng mga opisyal ng tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Partylist of Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ang pamimigay ng financial assistance na nagkakahalaga ng P5,000 bawat isa sa mga magsasakang benepisyaryo.

“Ang programa pong ito ay bahagi ng ditektiba ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr. na abutin ng pamahalaan ang mga sektor na nangangailangan ng suporta lalo na kung marami sa kanila ay mahirap,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

“Alam ng inyong pamahalaan ang hirap na inyong hinaharap, lalo na ngayong panahon ng El Niño kung saan apektado ang lahat ng pananim. Kaya nawa’y maibsan ng ayudang ito ang inyong paghihirap at makabangon sa mga susunod na panahon,” dagdag pa nito.

Ang pamimigay ng tulong ay ginaganap sa San Miguel Municipal Gymnasium na dinaluhan nina Mayor Norman Sabdao at SB Leticia Asis Espos.

Ang FARM program ay isang inisyatiba ni Speaker Romualdez na naglalayong mapababa ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagbibigay ng gobyerno ng tulong sa mga magsasaka.

Ang P10.22 milyon na ipinamigay sa mga magsasaka ay galing sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Worker and Development (DSWD). Ang mga benepisyaryo ay ibinigay ngNational Food Authority (NFA).

Batay sa pag-aaral, sinabi ni Speaker Romualdez na ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay tumataas kapag tumataas ang presyo ng bigas.

At sa pamamagitan ng programa, darami umano ang bigas na mabibili ng NFA sa mga lokal na magsasaka na siyang magpapataas sa rice buffer stock ng bansa kaya mas magiging panatag ang presyo ng bigas.

“We established this program so the government can reciprocate your heroism in helping millions of Filipino families put food on the table.

Para kay Pangulong Marcos Jr., mahalaga po ang bawat Pilipino at kasama kayong lahat doon,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.