Calendar
Metro
2 drug suspek nasakote sa P74.8M na shabu
Edd Reyes
Apr 28, 2025
388
Views
UMABOT sa P74.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa dalawang suspek na tulak ng droga noong Linggo sa Caloocan City.
Tiklo ang dalawa sa mga tauhan ng Special Operations Unit ng PNP Drug Enforcement Group (SOU-DEG) na nagpanggap na buyers dakong alas-8:15 ng gabi sa Brgy. Amparo, North Caloocan
Kasama sa operasyon ang District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District na pinangasiwaan ni P/BGen. Josefino Ligan na nagresulta sa pagkakadakip kina alyas Johary, 26; at JR Ambulo, 25.
Nakumpiska sa dalawa ang 11,000 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P74.8 milyon, cellular phone at Yamaha NMAX.
Nakapiit sa Amparo Sub-Station 15 ang mga suspek habang inihahanda ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa kanila.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

