Chaka pero habulin ng babae
Jan 22, 2025
Grade 8 dinaliri, hinalay ng 24-anyos na helper
Jan 22, 2025
Meralco hiniling magbigay ng mas malaking refund
Jan 22, 2025
Lalaki dumayo, gumala ng may dalang baril, arestado
Jan 22, 2025
Kelot na walang habas na nagpaputok ng baril, timbog
Jan 22, 2025
Calendar
Health & Wellness
Mahigit 4k nahawa ng COVID-19
Peoples Taliba Editor
Jul 29, 2022
206
Views
UMABOT sa 4,127 ang bilang ng mga bagong COVID-19 case sa bansa ngayong Biyernes, Hulyo 29.
Ito ang pinakamataas na bilang ng arawang kaso na naitala sa nakalipas na limang buwan, batay sa datos ng Department of Health (DOH). Bahagya itong mas mababa sa 4,575 bagong kaso ang naitala noong Pebrero 10.
Ang bilang ng mga aktibong kaso ay noong Biyernes ay umakyat sa 32,637.
Pinakamarami pa ring aktibong kaso sa National Capital Region na nasa 13,461, sumunod ang Calabarzon na may 8,773, Central Luzon na may 4,099, Western Visayas na may 2,532, at Central Visayas na nakapagtala ng 1,684.
Sa kabuuan ay 3,768,474 na ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa. Sa bilang na ito ay 3,675,119 ang gumaling at 60,718 ang nasawi.