Mahigit 60M PhilID at ePhilID naimprenta na

160 Views

MAHIGIT na 60 milyong national identification cards na ang naimprenta ng Philippine Statistics Authority (PSA) hanggang noong Marso 15.

Ayon sa PSA, umabot na sa kabuuang 60,326,990 Philippine Identification System (PhilIDs) at ePhilIDs ang naimprinta na mula ng simulan ang Philippine Identification System (PhilSys).

Sa bilang na ito 3,550,575 ang PhilID na naipalabas na umano i-deliver at 26.776 milyon naman ang ePhilID na naimprenta sa mga registration center.

“Reaching 60 million national IDs printed brings us closer to fully realizing the envisioned benefits of PhilSys of making more services accessible,” sabi ni PSA Undersecretary Dennis Mapa.

Nakikipag-ugnayan umano ang PSA sa Philippine Postal Corporation upang mapabilis ang pag-deliver ng mga ID sa mga bahay-bahay.

Ang PhilID at ePhilID ay mayroong QR code na magagamit para sa verification at authentication na mahirap umanong madaya.

Ang QR Code ay maaaring maberepika gamit ang identity authentication tool na PhilSys Check.