Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Mahigit 7k Pinoy na-repatriate ngayong 2022

290 Views

MAHIGIT 7,000 overseas Filipino mula sa iba’t ibang bansa ang na-repatriate sa unang 11 buwan ng 2022, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) umabot sa 7,880 overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate mula Enero hanggang Nobyembre 2022.

Batay sa accomplishment report na ipinadala sa Malacañang, sinabi ng DFA na 57.67 porsyento sa mga na-repatriate ay galing sa Middle East.

Iniulat din ng DFA na 3,589,620 pasaporte ang naproseso mula Enero hanggang Oktobre 2022.