Phivolcs

Mahihinang pagyanig na tectonic, niyanig magdamang ang Aurora

245 Views

BALER, Aurora – Sunod-sunod na mahihinang lindol na tectonic ang yumanig sa ilang bahagi ng lalawigan ng Aurora nitong madaling-araw ng Miyerkules.

Ang pinakamalakas ay naitala sa magnitude 4.0, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang pinakamalakas na pagyanig, ay naganap bandang 12:54 a.m.

Ito ay natukoy siyam na kilometro sa hilagang-kanluran ng San Luis, Aurora, sa lalim na anim na kilometro.

Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ito bilang Instrumental Intensity II sa San Luis, Aurora at Maddela, Quirino.

Bago ito, naitala ang isang lindol na magnitude 3.0 bandang 12:24 a.m. na may sentrong 41 kilometro sa timog-silangan ng Baler, sa lalim na tatlong kilometro, na nagrehistro ng Instrumental Intensity I sa Dingalan, Aurora.

Tatlong kasunod na pagyanig ang naitala:

Magnitude 3.2 na lindol bandang 2:13 n.u., 36 km. sa timog-silangan ng Baler

Magnitude 3.0 na lindol bandang 2:15 n.u., 41 km. sa timog-silangan ng San Luis

Magnitude 1.7 na lindol bandang 5:27 n.u., 44 km. sa timog-silangan ng Baler

Ayon sa PHIVOLCS, ang mga lindol ay tectonic ang pinagmulan at hindi nagdulot ng pinsala. Wala ring naiulat na nasawi o anumang seryosong insidente.

Patuloy ang pagbabantay ang mga lokal na awtoridad at hinimok ang mga residente na maging alerto at sumunod sa mga opisyal na abiso. Philippine News Agency