Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Kanlaon

Makapal na abo ibinuga ng Mt. Kanlaon

27 Views

MULI na namang nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros noong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dakong alas-11:52 ng umaga nagbuga ang Bulkang Kanlaon ng makapal na abo na may taas na 800 metro mula sa summit crater.

Tinangay ang abo sa kanluran-hilagang-kanluran ng bulkan.

Binalaan ang mga residente ng La Carlota City at Bago City sa Negros Occidental at iba pang kalapit na bayan na asahan ang ashfall.

Sinabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na posibleng itaas ang alert level ng Kanlaon mula Level 3 sa Level 4 at palawakin ang danger zone sa 10 kilometro dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkan.

Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga residenteng nakatira malapit sa Mt. Kanlaon na lumayo sa anim na kilometrong danger zone at makinig sa mga payo mula sa mga local government units at ahensya ng gobyerno.