Calendar
Malabon LGU workers may 4 na incentives
APAT na cash incentives ang matatanggap ng mga kuwalipikadong kawani ng Malabon local government, ayon kay Mayor Jeannie Sandoval.
Kabilang sa mga makakatanggap ang mga regular, casual, job order at contract of service workers na nananatili sa pagtatrabaho at maging ang mga nag-render ng serbisyo kahit tatlong buwan lamang hanggang Disyembre 15, 2025.
Inaprubahan na rin kamakailan ng Sangguniang Panlungsod ang paglalabas ng Economic Welfare Assistance Program na aabot sa P30,000 para sa mga kuwalipikadong kawani.
Isa pang insentibo ang Productivity Enhancement Incentives (PEI) na P5,000 para sa lahat ng regular at casual employees na nakapagtrabaho ng hanggang apat na buwan.
Mayroon ding Service Recognition Incentive na nagkakahalaga ng P10,000 kahit apat na buwan pa lamang na naglilingkod.
Ang mga kawani na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang apat na buwang nagtatrabaho ay makakatanggap din ng insentibo sa prorated basis habang ang mga wala na sa serbisyo hanggang Nobyembre 30, 2025 ay hindi na makakatanggap ng insentibo kahit ilang taon pa silang nakapagtrabaho.
Ang mga kuwalipikadong job order workers na nakaabot ng apat na buwang paglilingkod hanggang Disyembre 15, 2025 ay mayroon ding gratuity pay na P3,000.

