Malabon Mayor Jeannie Sandoval Malabon Mayor Jeannie Sandoval

Malabon Mayor Jeannie Sandoval nanguna sa iboboting mayor ng mga Malabueno, ayon sa survey

13 Views

NANGUNA si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa ibobotong mayoral candidate ng mga Malabueno, batay sa isinagawang kumprehensibong survey ng Capstone Intel Corporation.

Si Sandoval ay nakakuha ng 60% voter preference habang ang katunggali sa mayoral race na si Jaye Noel ay 28 %.

Ayon kay UP Professor Guido David, Chief Data Scientist ng Capstone, isang kilalang research company, ang voter confidence na nakuha ni Sandoval ay sumasalamin sa naging magandang pamamalakad nito.

Ipinaliwanag ni David na 91% ng mga respondents sa isinagawang survey ay pawang bumoto noong nakaraang eleksyon kaya naman ang kanilang intensyon na iboto muli si Sandoval ay pagpapakita ng pagiging epektibo nito sa kanyang tanggapan.

“When voters believe in a candidate’s ability to serve, their engagement and decisions at the polls can significantly shape the election’s direction,” pahayag ni David.

“It is clear that their willingness to support Sandoval again reflects their satisfaction with her performance. This highlights how past governance significantly influences future electoral decisions, as constituents tend to favor candidates who have proven their reliability and effectiveness in office,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Capstone Intel Research and Publications Director Ella Kristina Domingo na ang survey ay isinagawa nitong Enero 22 hanggang 26, 2025, sa may 1,200 participants na nasa pagitan ng edad na 18 hanggang 55 anyos, karamihan ay may asawa.

Nasa 16.90% ng mga respondents ay 16 hanggang 20 taon nang naninirahan sa Malabon; 14% residente na ng 21 hanggang 25 taon; 13.50% ay 26 hanggang 30 taon at may grupo na 6 hanggang 10 taon at 46 taon pataas nang residente ng lungsod.

Nang tanungin sa survey kung pamilyar kay Sandoval, 93% ng nagsabi na kilala nila ito habang 51% ang familiarity rating ni Noel sa mga residente.

Nasa 67.30% ang nagsabi na iboboto nila si Sandoval dahil “naniniwala sa kanyang adbokasiya”, nasa 55.90% ang nagsabi na “madaling lapitan” at 55.40% ang “patunay ng kakayahang maglingkod”.

Umabot sa 43.40% ang nagsabing kinilala nila ang “konkretong aksyon sa mga nangangailangan”, 37.60% “magandang track record” at 29.80% “walang bahid ng korapsyon”.

Kung ano ang “qualities” na hinahanap ng mga botante, 79.60% ang nagsabi na “ nakakapagpatupad ng mga programa at serbisyo” at 51.80% “may karanasan sa pamumuno at marunong rumespeto”.

Sinuri din sa naturang survey ang “satisfaction” sa government services sa Malabon, nasa 45.80% ng mga respondents ang nagsabi na “very satisfied” habang nasa 2.80% lamang ang “very dissatisfied.”

“Respondents specifically acknowledged the effectiveness of key services, such as medical assistance and health services, financial assistance/ayuda, educational assistance; disaster relief, emergency response, job assistance and livelihood opportunities, assistance to seniors, community programs and activities and security and peacekeeping efforts” nakasaad sa survey report.

Ipinaliwag ni Domingo na kung pagbabasehan ang nakalap na polling data ay nagpapakita na nakita at naramdaman ng mga respondents ang mga naging pagbabago partikular sa edukasyon , paglago ng ekonomiya at public safety na syang nakadagdag sa positibong kinabukasan para sa Malabon.