Calendar
Photo fn screenshot: PAWS
Malabon parish nag-sorry sa paggamit ng kalapati sa Salubong; PAWS sinabing di props mga hayop

IDINIIN ng PAWS na ang mga hayop ay hindi dapat gamiting props matapso humingi ng paumanhin ang Diocesan Shrine and Parish of Immaculate Conception sa Malabon sa paggamit ng buhay na kalapati sa paggunita ng nakaraang Pasko ng Pagkabuhay.
Ang Salubong ay inulan ng batikos ng mag-viral ang video ng nakataling kalapati sa paggunita ng Pasko ng Pagkabuhay.
“Bilang Rector at Parish Priest ng Diocesan Shrine of the Immaculate Conception, Malabon, nais kong iparating ang aking taos-pusong paghingi ng paumanhin kaugnay ng naiulat na insidente ng pagpapalipad ng lobo sa ritwal ng Salubong nitong nakaraang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay,” ayon sa pahayag ng parokya.
Humingi rin sila ng paumanhin sa Obispo ng Caloocan, Cardinal Pablo Virgilio David, “na naroroon sa nasabing okasyon ngunit ang nasaksihan lamang ay ang pagbubukas mula sa ibaba ng pagoda.”
Sinabi naman ng PAWS na na ‘miss ng parokya ang point.’
