Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Isko1

P25K subsidy sa panaderya kapalit ‘di pagtaas ng presyo ng tinapay alok ni Mayor Isko

Edd Reyes Apr 9, 2026
301 Views

PINULONG ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga may-ari ng panaderya para i-announce na gusto niyang bigyan ng P25,000 na subsidy sa kondisyon na hindi magtataas ng presyo ng tinapay sa loob ng 30 araw.

“Gusto kong matuto kaya ko kayo pinatawag dahil gusto ko rin kayong tulungan, mga panaderya ng komunidad sa Maynila.

Ang pandesal is simbolo ng almusal ng pamilyang Pilipino, hindi ‘yan pang-mahirap lang pati mayayaman,” pahayag ni Mayor Isko.

Kabilang sa mga dapat manatili sa dating presyo ang pandesal, pandelemon, monay, Spanish bread, tasty at iba pa na araw-araw na almusal at meryenda ng mga Pilipino.

Nilinaw ng alkalde na hindi permanenteng solusyon ang subsidiya kundi isa lang paraan upang maibsan ang epekto ng matinding krisis sa patuloy na pagtaas ng bilihin.

Inilarawan ni Chito Chavez, pangulo ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino (APP), na makabuluhan ang inisyatibo ng pamahalaan.

“Ngayon lang ako nakakita ng isang pinuno, higit sa lahat ng isang lokal na pamahalaan, na sa gitna ng krisis ay dinama ang industriya ng pagtitinapay. Napakalaking tulong nito,” pahayag ni Chavez.

Nauna ng nanawagan si Chavez sa mga panaderya na panatilihin sa dating presyo ang kanilang ibinebentang tinapay.