Trump

Malakanyang natuwa sa hindi pagpigil ng Amerika sa ayuda

Chona Yu Feb 25, 2025
13 Views

IKINATUWA ng Palasyo ng Malakanyang ang pasya ng Amerika na gawing exempted sa foreign aid freeze ang security assistance sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Office Claire Castro, malaking tulong ito para mapalakas ang defense modernization efforts ng pamahalaan.

“Ito po ay napakalaking bagay at nagpapasalamat po tayo sa suporta na iyan,” pahayag ni Castro.

Una nang ipinag-utos ni US President Donald Trump ang 90-day foreign aid freeze.

Ayon kay Castro, patunay ito na ang suporta ng Amerika sa Pilipinas ay salamin ng matagal ng kooperasyon ng dalawang bansa.

“So, masarap po na makatanggap ng ganitong good news at ang suporta po ng US sa atin ay hindi po mapapasubali,” pahayag ni Castro.

Matatandaaan na noong nakaraang taon, inanunsyo nina dating US Defense secretary Lloyd Austin III at State secretary Antony Blinken na magbibigay ng USD500 milyong tulong ang Amerika sa Pilipinas para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.