Malapitan

Malapitan pinasinayahan pagbubukas ng Caloocan columbarium, crematorium

Edd Reyes Oct 23, 2026
48 Views

MAlapitan1PINANGUNAHAN ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang pagpapasinaya sa Caloocan City Columbarium and Crematorium Biyernes ng umaga sa Sunflower Street, Tala, Barangay 178 at 187.

Kabilang ito sa prayoridad na proyektong pang-imprastraktura ng lokal na pamahalaan na sinimulan sa mga unang taon ng panununkulan ng alkalde na layong mabigyan ang mga residente ng disente at maayos na serbisyo sa pag-alaala sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Bukod sa cremation services at vault rentals, ang pasilidad ay mayroon ding urn storage, apat na funeral halls, lawn crypt, chapel, indoor at outdoor cinerarium upang makapagbigay sa mga mamamayan ng iba’t ibang pagpipilian para sa marangal na pag-alaala sa kanilang namayapang mga mahal sa buhay.

“Lagi pong prayoridad ng ating pamahalaang lungsod ang pangangalaga sa kapakanan ng mga Batang Kankaloo. Gusto po nating bawasan ang kanilang alalahanin, lalo na sa panahon ng pagdadalamhati, sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kayang mga serbisyo para sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay,” ani Mayor Along.

“Makakaasa ang ating mga kababayan na katuwang po ninyo kami sa lokal na pamahalaan sa bawat yugto ng buhay,” dagdag pa ng alkalde.