BBM2

Malaysian PM niregaluhan ng ‘Noli Me Tangere’ ni PBBM

240 Views

NIREGALUHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kopya ng nobela ni Dr. Jose Rizal na ‘Noli Me Tangere’ si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Ibinigay ni Marcos ang regalo nito kay Anwar sa matapos ang kanilang bilateral meeting sa Palasyo ng Malacañang sa Maynila.

Nakatanggap naman ang misis ni Anwar na si Dr. Wan Azizah binti Wan Ismail ng Waling-Waling brass card holder.

Bago ang bigayan ng regalo, nagpulong sina Pangulong Marcos at Anwar upang palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Malaysia.

Isang official dinner din ang ibinigay para kay Anwar na ginawa sa Ceremonial Hall ng Palasyo.

“I view the Prime Minister’s visit as a rekindling of an old friendship and old bond that took millennia to make, between neighbors and ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) founding members, whose people have interacted and traded for centuries before they even knew the concept of countries,” sabi ni Pangulong Marcos.

“More importantly, I view this visit as a reaffirmation of our shared commitment to revitalize our bilateral relations” dagdag pa ng Pangulo.