Camera

Mamamaya mas protektado sa Body-worn Camera Act

93 Views

IPINAHAYAG ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito ang suporta niya sa pag-apruba ng Senate Bill No. 1908 o ng Law Enforcement Body-Worn Camera Act dahil layunin ng panukala na palakasin ang pananagutan at pagiging malinaw sa mga operasyon ng pulisya at protektahan ang mga sibilyan laban sa mga iregularidad.

Sa plenaryo, sinabi ni Ejercito na makatutulong ang panukala sa pagbuo ng balanseng mga mekanismo na magpoprotekta sa mga karapatan at kapakanan ng mga sibilyan, habang nagbibigay ng malinaw at patas na mga tuntunin para sa mga alagad ng batas sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

“Through the passage of this bill, we uphold our collective goal to establish balanced mechanisms that protect both the rights and welfare of civilians and provide clear and fair rules for law enforcers in performing their duties,” ayon sa senador.

Ayon kay Ejercito, bawat operasyon ng pulisya ay magkakaroon ng isang walang kinikilingang saksi sa anyo ng body-worn camera.

Umaasa rin ang senador na mapalalakas ng panukala ang tiwala ng publiko sa mga tagapagpatupad ng batas at higit pang mapagtitibay ang isang patas at maayos na sistema.