Mendoza

Mambabatas nagbabala sa epekto sa OFWs sa pagpapa-alis ng POGO workers

Mar Rodriguez Sep 29, 2022
234 Views

NAGBABALA ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na posibleng gawin din ng iba’t-ibang “foreign government” sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) ang nakatakdang gawin naman ng pamahalaan ng Pilipinas laban sa mga manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sinabi House Deputy Speaker at TUCP Party List Cong. Raymond Democrito Mendoza na hindi malayong gantihan ng iba’t-ibang foreign government ang mga OFW’s sa kani-kanilang bansa. Sakaling matuloy ang plano aniya ng Department of Justice (DOJ) na ipa-deport ang tinatawang 2,000 POGO workers.

Umalma ang kongresista sa naging pahayag ng Justice Department na nakatakda nilang palayasin o ipa-deport pabalik ng China ang may humigit kumulang na 2,000 POGO workers sa darating Oktubre bilang bahagi ng isang “crackdown” o pagsugpo sa mga “POGO foreign workers” na illegal na nananatili sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Mendoza na hindi siya tumututol sa pagpapalayas sa mga “POGO foreign workers” subalit hangad lamang nila maging parehas ang pagtrato sa kanila ng Philippine government katulad ng pagtrato ng iba’t-ibang foreign government sa ating mga OFW’s.

“TUCP calls on the government to pay equal attention to the plight of these foreign workers,” sabi ni Mendoza.

Binigyang diin pa ni Mendoza na kailangan umanong tiyakin ng pamahalaan na magkakaroon ng maayos na pagtrato o “proper treatment” sa mga POGO foreign workers kagaya ng pagnanais din natin na tratuhin ng maayos an gating mga OFW’s sa ibayong dagat.