Isko

Mamumuhunan bumalik na ang kumpiyansa sa Maynila

Edd Reyes Oct 16, 2025
255 Views

NANUMBALIK ang kumpiyansa ng mga negosyante sa Lungsod ng Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Isko Moreno Domagoso.

Ito ang inihayag ni NXT Mile Motors, Inc. executive Paul Tionson sa pagbubukas ng unang Suzuki Auto dealership sa Metro Manila sa may Otis, Manila, kung saan naging panauhin ang alkalde Huwebes ng umaga.

“It really gives us, investors, confidence on the steps taken by the City Government under your new administration: to cut the red tape, to promote ease of doing business, and to foster an environment that is transparent and conducive to business,” pahayag ni Tionson.

“As investors, that’s all we can ask for. Nakakataas po ng kumpiyansa,” dagdag pa niya.

Bilang tugon, sinabi ng alkalde na malugod nilang tinatanggap ang pamumuhunan ng Suzuki sa lungsod na aniya ay isang senyales na bumalik na ang tiwala ng mga negosyante sa Maynila.

“I’m happy and excited that businesses are coming back to the City of Manila. I wish that you would have more taxes to pay, dahil ang wish ko, maraming sales,” sabi ni Yorme Isko.

Sinabi ng alkalde na ang kaagad na pagpapatupad niya ng reporma, kung saan pinabilisan at ginawang simple lang ang proseso ng zoning at pagkuha ng permit sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga kinakailangan tulad sa zoning clearance at permit ng pito na lamang mula sa dating 22, at exemption categories ng lima, mula sa dating 15, ang nakatulong para manumbalik ang tiwala ng mamumuhunan.

Sinabi niya na ang oportunidad na pang-ekonomiya ang susi sa pagkakaroon ng matatag na lipunan dahil kapag may trabaho at kabuhayan ang lahat, nababawasan ang krimen

“Mas maraming hanapbuhay, mas payapa ang pamayanan. That is the goal, the hard way of keeping the peace and order situation,” sabi ni Yorme Isko