PCSO

Mananaya sa Pampanga, Laguna hati sa P42M jackpot

162 Views

ISANG mananaya sa Pampanga at isa sa Laguna ang maghahati sa P42.7 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dalawa ang nakakuha ng winning number combination na 10-03-12-20-07-28 sa bola noong Hunyo 3. Ang nanalo ay tumaya sa Sto. Niño Public Market sa Guagua, Pampanga, at Langcam, San Pedro, Laguna.

Samantala, nanalo naman ng tig-P24,000 ang 190 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P800 naman ang tinamaan ng 5,259 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 naman ang 56,846 mananaya na nakatatlong numero.