BOC lalong paiigtingin kampanya vs graft, corruption
Feb 23, 2025
Bagong tattoo alay ni Andi kay Jaclyn
Feb 23, 2025
Kaila ayaw makarelasyon si Daniel
Feb 23, 2025
Calendar

Overseas Filipino Workers
Mandatory evacuation sa mga Pinoy na nasa Ukraine ipinag-utos ng DFA
Cristina Lee Pisco
Mar 7, 2022
483
Views
IPINAG-UTOS ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mandatory evacuation sa mga Pilipino na nasa Ukraine sa gitna ng nagpapatuloy na pagpasok ng mga sundalo ng Russia roon.
Ngayong araw ay itinaas ng DFA ang crisis alert level mula Alert Level 2 (Restriction Phase) sa Alert Level 4 (Mandatory Repatriation), ang pinakamataas na alerto.
“Filipinos in Ukraine will be assisted by the Philippine Embassy in Poland and the Rapid Response Team, which are currently assisting Filipino nationals for repatriation and relocation,” sabi sa advisory ng DFA.
Samantala dumating na sa bansa ang 20 Pilipino na inilikas mula sa Ukraine noong Sabado at Linggo.