Suspended

Manila sinuspinde F2F classes Sept. 21

Edd Reyes Sep 20, 2026
114 Views

SUSPENDIDO ang face-to-face (F2F) classes sa lahat ng antas ng klase sa mga public at private na paaralan sa Maynila sa Setyembre 21 para sa paggunita ng 54th anniversary ng deklarasyon ng martial law.

Iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang suspensyon ng F2F classes sa rekomendasyon ng Manila Police District (MPD).

Inaasahang magtitipon ang iba’t-ibang grupo at magmamartsa para gunitain ang event.

Inilabas ng alkalde ang kautusan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbawas ng kanilang pagkakalantad sa mga posibleng panganib na dulot ng matinding trapiko, pagsasara ng mga lansangan at pagtitipon sa pampublikong lugar.

Pinayuhan ng alkalde ang lahat ng mga paaralan na mag-shift sa ADM (alternative delivery mode) sa Lunes.