Babaeng pasahero hinipuan, rider bagsak sa kulungan

114 Views

INIREKLAMO ng paglabag sa Safe Spaces Act ang rider na umano’y nanghipo sa 24-anyos na babaeng pasahero habang bumibiyahe mula San Mateo, Rizal patungong Quezon City noong Setyembre 13.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), inireklamo si alyas Jhom matapos umanong hipuan ang babaeng sakay.

Nakaramdam ng takot at pagkabalisa ang biktima kaya ini-report sa pulisya ang insidente.

Isinampa na sa Office of the City Prosecutor ang reklamo laban sa rider kaugnay sa paglabag sa RA 11313 o Safe Spaces Act.

Pinaalalahanan naman ng QCPD ang publiko na agad ireport sa pulisya ang anumang kilos na sa tingin nila’y sexual harassment upang mabigyan ng kaukulang aksyon.