Calendar
Manila tuloy ang pag-angat
PATULOY ang pag-angat ng Manila SV Batang Sampaloc.
Hindi binigyan ng Manila ng pagkakataon ang Quezon City TODA Aksyon upang itala ang 76-57 panalo sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Sa kanyang pinakamatinding laro para sa Manila, nagpakawala si Francis Escandor ng 19 points — 15 sa 5-of-6 shooting mula three-point area — four rebounds at two assists upang pangunahan ang kanlang ikatlong dikit na panalo at 8-4 overall sa prestihiyosong 29-team tournament.
Nakatuwang ni Escandor sina Ahmad Didat Hanapi, na may 14 points, two rebounds at two assists; James Sena, na may 10 points at three rebounds; at Carl Bryan Cruz, na may nine points at seven rebounds para sa Manila, na lumamang pa ng 62-40, sa fourth quarter.
Ang sikat na Fil-Am star na si Greg Slaughter ay nag-ambag naman ng eight points, seven rebounds at two assists sa kabila ng limited playing time na 12 minutes at 28 seconds mula kay Manila coach Gabby Severino.
Hindi man naka-score, si Enzo Navarro ay nagbigay ng 12 assists at six rebounds.
Sina Brandrey Bienes at Rafael Are ay gumawa ng 19 at 13 points para sa Quezon City, na nalugmok pa sa 4-7 record.
Dadayo ang MPBL sa Caloocan Sports Complex na kung saan maghaharap ang Abra at Sarangani simula 4 p.m., Quezon at Bicol sa 6 p.m., at Paranaque at home team Caloocan sa 8 p.m.
The scores:
Manila (76 )– Escandor 19, Hanapi 14, Sena 10, Cruz 9, Slaughter 8, Flores 6, Mitchell 3, Jamon 3, Al-Hussaini 2, Umali 2, Tempra 0, Javelona 0, Navarro 0, Gonzaga 0, Battaller 0.
Quezon City (57) — Bienes 19, R.Are 13, Cosari 5, Mosqueda 5, Gesalem 5, Cauilan 3, Yambing 3, Roman 2, Desoyo 2, Nimes 0, Lo 0, Josef 0, Sawat 0, Ballesteros 0, Tibayan 0.
Quarterscores: 15-18, 36-29, 55-36, 76-57.