Maniquez

Maniquez gustong palakasin papel ng guidance counselors, psychologists

Mar Rodriguez Jun 27, 2026
45 Views

INILATAG ni Zambales Rep. Doris “Nanay Bing” Maniquiz ang panukalang pagpapalakas sa papel ng mga guidance counselors, school psychologists at mental health professionals sa mga pribado at pampublikong paaralan kasunod ng madugong shooting rampage sa San Jose National High School (SJNHS).

Nagmungkahi ang Zambales solon tungkol sa pagpapalakas sa papel at tungkulin ng mga guidance counselors at resident psychologists sa layuning magabayan ang mga estudyante.

Karamihan sa mga estudyante ngayon ang nalululong sa mga bayolenteng online video games kaya’t hindi maiiwasan na naimpluwensyahan nila ang mga kabataang estudyante.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na mahalaga din na mayroong malalapitan, mahihingian ng payo at mabigyan ng kinakailangang suporta ang mga estudyante sa panahon na sila ay dumaranas sa isang psycho-social at emotional issues.

“Kailangan talaga ng mga psychologists at mental health professionals sa mga eskuwelahan para maiparamdam natin sa bawat mag-aaral na dumaraan sa isang emotional at psycho-social issues na mayroon silang malalapitan at mahihingian ng tulong,” ani Maniquiz.

Nauna rito, inilatag na rin ng mambabatas ang panukalang pagpapabalik ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) bilang kurikulum sa mga pribado at pampublikong paaralan.