Calendar
Maraming Pilipino ang sang-ayon sa POGO ban ni PBBM โ Cong. Inno Dy
๐๐๐ก๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ก ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ ๐ฎ๐ท๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฒ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐ฎ๐๐๐๐ถ๐ป๐ผ โ๐๐ป๐ป๐ผโ ๐. ๐๐ ๐ฉ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐บ๐ฝ๐น๐ฒ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐๐ต๐ผ๐ฟ๐ฒ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ (๐ฃ๐ข๐๐ข) ๐ธ๐๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฟ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฟ๐ฒ๐๐๐น๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐๐ฒ๐ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐ป๐๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐ฎ๐น ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐ด๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ฅ. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐, ๐๐ฟ. ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ข๐๐ข.
Nabatid kay Dy, vice-chairperson ng House Committee on Tourism, na alinsunod sa inilabas na survey result ng OCTA Reasearch survey, makikita na mayorya ng mga Pilipino ang sumasang-ayon at sumusuporta sa total ban ng POGO na inanunsiyo ni Pangulong Marcos, Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Dy, ipinapakita ng naturang survey result na 83% ng mga Pilipino ang nagpahayag ng kanilang pangsang-ayon at suporta para sa paglulunsad ng isang โnationwide banโ o isang malawakang pagbabawal sa operasyon ng POGO sa ibaโt-ibang bahagi ng bansa. Habang 12% lamang ang tumututol dito.
Sinabi din ng kongresista na ang Metro Manila, Luzon at sa labas ng Luzon ang may pinakamaraming respondents na pabor at sumusuporta sa total ban ng POGO. Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na resulta matapos itong makakalap ng 20% survey result mula sa mga respondents.
Sabi ni Dy na maliwanag na ipinapakita ng resulta ng OCTA Research survey na hindi na lamang kampanya ng gobyerno ang total ban ng POGO kundi isang krusada ng buong mamamayang Pilipino laban sa naturang sugal na dinala ng mga Chinese nationals sa Pilipinas.
Pagdidiin pa ni Dy na maaaring napukaw na rin ang kamalayan ng mga Pilipino patungkol sa samuโt-saring kriminalidad o criminal activities na kinasasangkutan ng POGO kabilang na dito ang torture, pagpatay, prostitution at drug trafficking.
Paliwanag pa ng mambabatas, hindi na lamang ang gobyerno ang lumalaban sa POGO kundi katuwang narin nito ang buong mamamayang Pilipino sapagkat ang ipinaglalaban na aniya dito ay ang seguridad ng Pilipinas laban sa mga Chinese nationals na nagdala ng illegal na sugal sa bansa.