BBM2

Marcos admin prayoridad programa para sa kalikasan

205 Views

NANANATILI ang suporta ng administrasyong Marcos sa mga aksyon para sa kalikasan.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang ng International Mother Earth Day.

“Nananatiling buo ang suporta ng ating administrasyon sa mga programa at polisiya para sa kalikasan,” ani Pangulong Marcos.

Nauna ng sinabi ng administrasyong Marcos na tinututukan nito ang paggamit ng mga renewable energy upang mabawasan ang pagiging dependent ng bansa sa paggamit ng fossil fuel.

Ang International Mother Earth Day ay sinimulan noong 2009 ng United Nations General Assembly.