BBM

Marcos patuloy na isinusulong legasiya ng 1st PH Republic

Chona Yu Jan 23, 2024
162 Views

PATULOY na isusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang legasiya ng First Philippine Republic.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa ika-125 anibersaryo ng pagkakatatag ng First Philippine Republic sa Malolos, Bulacan, sinabi niya na gagamitin niya ang legasiyang ito lalo na sa mga yumuyurak sa teritoryo ng Pilipinas.

“To those who “trample our sacred shores”, the spirit of Malolos commands us to resist you, for the territory our forefathers fought for is unconquerable,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sabi ni Pangulong Marcos, iba na ang ipinaglalaban ngayon ng Pilipinas.

“They require no bloodletting, no rushing of barricades. They are harder to vanquish, and they exact a toll of poverty, hunger and disease that claim more lives than any armed conflicts,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hindi maikakaila na patuloy pa rin ang laban ng bayan sa banta ng sakit, ng kahirapan, kalamidad at iba pang mga panganib.

Sabi ni Pangulong Marcos, may mga matang mulat ang bagong mukha ng pamahalaan sa ilalim ng Bagong Pilipinas sa mga suliranin, may mga taingang taimtim na nakikinig ng hinaing ng sambayanan, may boses na handang magtanggol sa naaapi, at higit sa lahat, may pusong naglilingkod para sa mas maginhawang buhay ng Filipino.

“Kagaya ng mga haligi ng Republika ng Malolos, paigtingin nating lalo ang pag-ibig sa bayan upang maisulong natin ang isang mapagpalaya, mas maunlad at tunay na maginhawang Bagong Pilipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.