Garafil

Marcos pinag-aaralan pa pagsuspendi  sa 5% taas sa PhilHealth contribution

Chona Yu Jan 17, 2024
130 Views

PINAG-AARALAN pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hirit ni Health Secretary Ted Herbosa na suspendihin ang limang porsyentong pagtataas sa kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, binubusisi pa ng husto ni Pangulong Marcos ang naturang panukala.

“The President is studying the request,” pahayag ni Garafil.

Una rito, sinabi ni Herbosa na nagpadala na siya ng recommendation letter kay Pangulong Marcos.

Nais kasi ni Herbosa na simulan ang increase sa kontribusyon kung kailan natigil sa 2 hanggang 3 porsyento lamamg.

Paliwanag ni Herbosa, kawawa kasi ang mga miyembro kung agad na itataas sa 5 porsyento ang increase.

May sapat pa naman aniya na pondo ang PhilHealth oara tustusan ang pagbibigay benepisyo sa mga miyembro nito.