Marissa3

Marissa: Wala sa edad at limitasyon ang edukasyon

Aster A Amoyo Jul 30, 2024
115 Views

MarissaMarissa1Marissa2ISANG magandang ehemplo ang award-winning veteran actress and businesswoman na si Marissa Delgado na tinapos ang kanyang pag-aaral noon lamang 2016 kahit may edad na, may mga anak at apo na.

“Wala sa edad at limitasyon ang edukasyon,” aniya.

Marissa became a young mother at 18 sa kanyang panganay na anak na si Avon Garcia na sandaling nag-artista matapos itong maging finalist ng Bb. Pilipinas nung 1987. Ang younger brother nitong si Kevin Garcia (Siegfried) ay pumasok din sa pag-aartista pero sa kalaunan ay tumulong na lamang ang magkapatid sa itinayong recruitment business ng kanilang ina nung 1985, ang Mardel International.

Avon and Kevin were still kids nang magkahiwalay ang kanilang parents dahil sa pagiging playboy ng kanilang ama. Tumagal lamng ng halos 12 taon ang pagsasama nina Marissa at ng kanyang mister. Since then ay mag-isang iginapang ni Marissa ang kanyang dalawang anak at tumutulong pa siya sa kanyang ina’t mga kapatid.

As a kid ay nakaramdam umano siya ng inggit sa kanyang mga kaklase at mga pinsan na kumpleto ang pamilya at nang siya’y tumuntong sa edad na sampu ay nagsimula na siyang magtanong sa kanyang ina kung nasaan ang kanilang ama. She was told na nagtrabaho umano ito bilang mekaniko at lightsman sa Hollywood. Iniwan sila ng kanyang ama when she was barely two years old at 8 months old naman ang kanyang younger brother para magtrabaho sa Afghanistan. But he never came back.

“I was longing for my father,” aniya.

Lumaki siya na patuloy na ipinagdarasal na sana’y makita niya ang kanyang ama, makatapos ng kanyang pag-aaral ng high school at mapasok siya sa pag-aartista at ang lahat ng kanyang wish at ipinagdasal ay dininig ng Diyos at nagkatotoo.

Hindi lamang niya nagtapos ang high school kundi pati college. Hindi rin inaasahan nang makatanggap sila ng sulat galing sa kanyang biological father na nasa Amerika na noon. Taong 1973 nung artista na siya ay nagkita sila ng kanyang ama sa Amerika at magmula noon ay unti-unti itong bumawi sa kanya at sa kanyang nakabaatang kapatid. A few years later ay sumunod sa Amerika ang kanyang brother then their mom at doon ay nagpakasal sila ng kanyang ina.

“My father more than made up `yung mga pagkukulang niya sa amin,” kuwento pa ni Marissa.

“The first time na nagkita kami ng father ko na hawak-hawak niya ang kamay ko nung papunta kami ng Immigration office ay sobra akong naiyak (sa tuwa) dahil first time na nahawakan ng tatay ko,” patuloy niya.

“That was one memorable moment na hinding-hindi ko makakalimutan,” aniya.

Nabuo ang pagkatao ni Marissa and her younger brother nang makita at makilala nila ang kanilang biological father.

Nag-flash back sa kanyang isipan na nagbibigay umano siya noon ng mga chocolates sa kanyang mga kaklase at sinasabi niyang dumating ang kanyang papa kahit hindi totoo para hindi umano siya tuksuhin ng mga ito na wala siyang ama.

“Prayers move mountains,” susog pa niya.

“Lahat ng ipinagdasal ko ay tinupad ni Lord,” dugtong pa niya.

Marissa is Epifania Garcia Boyle in real life. She started her career in 1965 at aktibo pa rin siya hanggang ngayon.

She received her first Best Supporting Actress award mula sa FAMAS nung 197s para sa pelikulang “Lumuha Pati Langit” na pinamahalaan ng yumaong si Lino Brocka.

“I was so lucky na naging paborito akong isama ni Direk Lino sa kanyang mga pelikula noon tulad ng “Tubog sa Ginto” in 1970, “Stardom” in 1971, “Ang Tatay Kong Nanay” in 1976, “Bona” nung 1979 at iba pa. Here second Best Supporting trophy ay para sa pelikulang “Til Death Do Us Part” na pinamahalaan ni Ishmael Bernal.

Although naging leading-lady siya noon nina Dolphy at Chiquito sa pelikulang “Dalawang Kumander sa WAC,” mas na-assign siya sa mga supporting kontrabida roles which she did not mind at all.

Ang pagiging negosyante ni Marissa ay nagsimula nang magbenta siya ng iba’t ibang paninda na ikinakarga niya lamang sa kanyang sasakyan na inaalok niya sa mga artista at production people.

“Kapag may nag-oorder ng longganisa, bigas at kung anu-ano pa, ako mismo ang nagde-deliver. Tapos yung laman ng kotse ko ay karamihan imported items na mga damit at perfumes kaya ang tawag umano sa kanya noon ni FPJ (Fernando Poe, Jr.) ay MD store sa tuwing may shooting or taping siya.

“Siyempre gusto kong kumita ng extra for my family,” paliwanag pa niya.

Sa tulong ng kanyang pinsan, itinayo ni Marissa ang kanyang Mardel International recruitment agency in 1985 na nung umpisa ay nagpapadala sila ng mga Filipino entertainers sa Japan which later ay nag-diversify na siya sa iba’t ibang skilled workers sa iba pa ng bansa at kasama na rito ang mga domestic helpers.

When not busy sa shooting or taping, si Marissa ay matatagpuan sa kanyang tanggapan. Bumisita rin umano siya sa kanilang training center at hands-on din umano siya sa recruitment. May times pa nga raw na sumasama siya sa kanyang mga tao sa probinsya at doon niya nakikita ang mga nakakaawang kalagayan ng maraming tao.

“Marami na rin kaming mga taong natulungan at nabago ang kanilang mga buhay,” pagmamalaki pa niya.

Although acting will remain her passion, she’s also a hands-on businesswoman na nakapagpatayo na ng sarili niyang 3-storey building where her recruitment office and training center is located.

“Ang nakakatuwa lamang ay involved na sa business ang mga anak ko and I’m also so lucky sa pagkakaroon ng mga trusted and dedicated staff,” pahayag pa niya.

Catch our exclusive interview with Marissa Delgado sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Actress, actor pinagpalit ang career sa love na din rin magtatagal

NAKAPAGSILANG na ang controversial actress na ang ama ng bata ay isa ring controversial actor na hiwalay na sa kanyang misis.

Dinenay ang pagbubuntis ng actress maging ng kanyang ama at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito inaamin ng magka-live in na actor at actress.

Nasa peak ng kanyang popularity ang actress nang ito’y ma-in love sa bagong hiwalay lang noong actor sa kanyang misis. Ang problema, parehong nag-suffer ang respective career ng live-in partners ngayon na parehong jobless.

Ang tanong tuloy ng marami, paano masusuportahan ng actor ang kanyang mga anak sa kanyang ex-wife at sa kanyang bagong silang na anak sa kanyang kinakasama ngayon?

Marami tuloy ang nanghihinayang sa parehong actress at actor na ito dahil ipinagpalit nila ang kanilang umuusbong na career sa ngalan ng pag-ibig na hinuhulaan ng marami na hindi rin magtatagal.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon for notification on ”TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.