Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Marya ayaw ipaopera ang arthritis sa spineå

Vinia Vivar Apr 14, 2025
31 Views

Dahil maraming ispekulasyon na lumalabas tungkol sa health condition ni Maricel Soriano, ipinaliwanag ng Diamond Star sa kanyang latest YouTube vlog kung ano ang kanyang karamdaman.

Marami kasi ang nag-alala nang makita ang video niya na kuha sa ABS-CBN Ball 2025 na nahihirapan siyang maglakad at inaalalayan pa siya.

Sa nakaraang 60th birthday celebration niya last April 8 na ginanap sa New Frontier Theater ay nakitang hirap pa rin siyang maglakad.

Kaya naman in-address na ni Marya ang issue at ipinaliwanag kung ano ang kanyang sakit.

“Kasi, ‘yung spine ko may arthritis hanggang leeg ko. Tapos nu’ng first na-experience ko ‘to, in-injection-an na ako sa likod. Tapos ‘yung sumunod dahil hindi pa rin nawawala ‘yung pain, kasi sa side lang, eh. So, ginawa nila, mismong sa spine nila ako sinaksakan ng steriods,” kwento ni Maricel.

“Tapos, matagal bago nag-effect kaya iika-ika akong maglakad. Saka ‘yung paa ko – ang liit ng paa ko – manhid, parang may mga karayom na tumutusok na ganyan,” dagdag niya.

Bukod dito ay may pinched nerve rin daw siya o naipitan ng ugat.

Ang payo nga raw sa kanya ay magpaopera na pero sa ngayon ay tina-try pa niya ang ibang options.

“Ito namang sakit na ‘to gumagaling naman ‘to. Actually, ang sabi nga, ‘magpa-opera ka na para matapos na ‘yang sakit na ‘yan.’ Pupunta tayo do’n pero kasi tinitingan namin lahat ng way kung papa’no, para hindi nga surgery ang mangyari. Sana, kasi ayoko,” aniya.

Paliwanag niya, “Siyempre nakatikim na ako ng caesarean (delivery), hindi ba? Ang operation is not a joke, ‘di ba? That’s why parang ako. gusto ko rin, ma-introduce rin ako du’n sa ibang anggulo, para gumaling ako.”

Sey pa niya, “Kaya ko ‘to.”

Kaya may physical activities daw siyang ginagawa ngayon tulad ng paglalakad sa swimming pool.

“Kailangan kong mag-walk palagi sa swimming pool. Walk with faith and confidence,” sey niya.

“Mayroon akong physical therapist talaga. Stretching, tapos hinahatak ka, hinahatak ‘yung balakang mo, paganyan. Tapos hinahatak ‘yung leeg mo paganu’n,” kwento pa niya.

Hirit pa niya, “Dapat, gumagalaw. Para hindi pumanaw,” sabay-tawa.

Sinigurado naman ng Diamond Star na makakayanan niya ito sa rami ng mga pinagdaanan niya sa buhay.

Payo pa niya, “Doon po sa mga tao na may sakit din na ganito, when your body talks, you listen. Dapat ganu’n eh. Sabi kasi nila, what you eat today will walk and talk tomorrow.”

Dagdag pa niya, “Saka huwag kang matatakot, nandiyan si Lord. Saka, dapat lagi natin isipin na ‘yung ibang tao, nagawan ng himala, ’di ba? Ikaw pa ba? Eh, love ka ni God.”

May mensahe rin si Maricel sa mga nagkakalat ng kung ano-anong maling tsika sa kanyang sakit.

“Hindi natin gamitin ‘yung mga bagay na ganyan sa mga tsika lang. Gamitin natin para sa ikabubuti o may mapapala ‘yung kapwa-Pilipino natin o kapwa-tao natin. We have to be mindful and respectful,” aniya.

Inanunsyo rin ni Marya na may gagawin siyang bagong pelikula. Excited na nga raw siya dahil after “Lavender Fields” ay wala na siyang ginawa pa.