P2M shabu nasabat sa Subic
Oct 15, 2026
NLEX-Quirino Ave. connector matatapos na
Oct 15, 2026
Hontiveros: PWDs ‘di dapat gawing katatawanan
Oct 15, 2026
Calendar
Showbiz
Bagong dance video ni Marian may 8 million views
Vinia Vivar
Apr 14, 2025
828
Views
Minsan pang pinabilib ni Marian Rivera ang netizens at fans sa kanyang latest dance cover sa TikTok.
This time, sinayaw niya ang trending dance challenge ni Blackpink Jennie na “Like Jennie” complete with back-up dancers.
Talaga namang pinatunayan ni Marian na hindi lang paggiling ang alam niya at kaya rin niyang kumaldag-kaldag. Sisiw na sisiw nga sa kanya ang steps ng nasabing trending dance.
Caption ng akres sa kanyang dance entry, “Bringing out my inner Jennie!”
Nagkagulo sa comment section at pati ang kanyang asawang si Dingdog Dantes ay nagkomento rin.
“Lupet!” ani Dingdong na may clapping hands emoji pa.
Sa ngayon ay nasa mahigit eight million na ang views ng dance video ni Marian sa loob pa lamang ng 23 hours.
