NBI bumira, 5 suspek sa paniniktik tiklo
Feb 25, 2025
Legarda naaalarma sa pagdami ng kaso ng dengue sa PH
Feb 25, 2025
PNP pinatindi kampanya vs illegal POGOs
Feb 25, 2025
BARMM polls security meet dinaluhan ng PNP chief
Feb 25, 2025
Calendar

Health & Wellness
Mas nakakahawang Omicron BQ 1 nasa PH na
Peoples Taliba Editor
Nov 26, 2022
284
Views
MAYROON ng naitalang kaso ng mas nakakahawang Omicron BQ.1 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Ang Omicron BQ.1 ay sublineage ng highly transmissible na BA.5 subvariant.
Mayroon umanong 14 na kaso ng ng BQ 1 ang na-detect sa genome sequencing na isinagawa ng UP-Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine, at San Lazaro Hospital mula Oktobre 28 hanggang Nobyembre 18.
Sa 14 na kaso, 13 umano ang na-detect sa Administrative Region, Regions 1, 4A, 7, at National Capital Region (NCR).
Inaalam pa ng DOH kung ang isang kaso ay returning overseas Filipino (ROF).
Ang BQ 1 at ang katulad nitong BQ 1.1 ang uri na nagpataas sa mga kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.