Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
BBM Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Agri Puhunan at Pantawid program ng Department of Agriculture para sa mga magsasaka.

Masa maraming Kadiwa stores pagtutulungan ng DA, PhilPost

Jon-jon Reyes Apr 14, 2025
29 Views

BBM1PUMIRMA ng kasunduan ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Postal Corporation (PhilPost) para palawakin ang Kadiwa ng Pangulo program sa buong bansa alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay ng abot kaya at de kalidad na pagkain.

Sa ilalim ng kasunduan, titiyakin ng DA na ligtas kainin ang mga produktong ibinebenta habang ang PhilPost naman ang magbibigay ng espasyo at kagamitan para sa maayos na operasyon sa mga tindahan.

Mula sa anim na post offices na dating nag host ng Kadiwa pop-up store, palalawakin ito sa 67 post offices sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon Visayas at Mindanao.

Inaasahang aabot pa ito sa 1,500 Kadiwa stores sa buong bansa pagsapit ng 2028.

Samantala, ipinahayag ni Usec. Atty. Claire Castro ang pagbubukas ng Bureau of Immigration ng bagong OFW wing sa NAIA Terminal 3.

Ang wing para sa mga OFWs na may dagdag na 6 na counters at wealth immigration officers.

Ang bagong pasilidad alinsunod sa target ng administrasyon ni Pangulong Marcos na pagbutihin at ayusin pa ang mga serbisyo para sa mga OFW.

Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ng Agri Puhunan at Pantawid (APP) Program ng Department of Agriculture.

Ang APP program malawakang inisyatiba na naglalayong bigyan ng financial at teknikal na tulong ang mga kwalipikadong magsasaka ng palay.

Bukod sa cash assistance, nagkaloob din ang Philippine Center for Post Harvest Development and Mechanization (Philmech) ng mahigit P6 million na halaga ng makinarya sa tatlong farmer cooperatives.

Ayon kay Agriculture secretary Francisco Laurel Jr., malaking tulong ang APP Program para sa mga magsasaka.