Magsino

Mass hiring ng 75,000 Seafarers para sa Carnival Corporation ng US. Ikinalugod ng OFW Party List Group

Mar Rodriguez May 5, 2023
252 Views

IKINALUGOD ng One Filipinos Worldwide (OFW) Party List Group ang kompirmadong “mass hiring” ng 75,000 Filipino Seafarers sa ilalim ng kilala at makaling Shipping Lines sa Estados Unidos (US) bilang resulta ng mtagumpay na state visit ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa Amerika.

Sinabi ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na mismong sina Pangulong Marcos, Jr. at ang Chief Executive Officer (CEO) ng Carnival Corporation na si John Padget ang nag-kompirma na 75,000 Pinoy Seafarers ang kukuhin ng nasabing kompanya.

Sa isang pulong ng Pangulo sa Washington, Binigyang diin ni Padget na kilala ang mga Pilipino sa pagiging masipag o mayroong “positive work attitude”, hospitality at pagiging competitive sa trabaho. Kaya ang mga Pinoy aniya ang pangunahing kinukunsidera sa larangan ng global work force.

Ayon kay Magsino, nakakataba ng puso na marinig mula sa opisyal ng isang kilalang “foreign company” tulad ng Carnival Corporation na nagpapahayag ng malaking kumpiyansa at pagtitiwala sa kakayahan ng mga Pilipino kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s).

Iginiit din ng kongresista na ang pahayag ni Padget ay nagpapakita lamang sa tunay na character ng mga OFW’s pagdating sa trabaho.

Sapagkat hindi lamang aniya sila masisipag kundi ginagawa nila ang kanilang trabaho ng may ngiti sa kanilang mga labi na ikinalulugod naman ng kanilang mga kliyente.

Sinasang-ayunan din ni Magsino ang pahayag ng Pangulong Marcos, Jr. na ang pagkuha sa serbisyo ng mga Filipino Seafarers ay hindi lamang magbibigay ng malaking benepisyo para sa ekonomiya ng bansa. Kundi mapapabuti din ito ang pamumuhay mga Pilipinong tripulante at kanilang pamilya.