LRB

Mass housing sa Venezuela pinasinayaan ng NHA

Jun I Legaspi Feb 14, 2026
90 Views

PINASINAYAAN ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang unang 3 low-rise building (LRBs) sa Disiplina Village-Arkong Bato sa Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City kamakailan.

“Ang NHA po, sa ilalim ng aking pamumuno at alinsunod sa adhikain ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) na isa sa mga hangarin ng ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay patuloy na sumusuporta at aagapay upang makapagbigay po ng ligtas na mga pabahay tungo sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng pamumuhay ng ating mga kababayan,” sabi ng pinuno ng NHA.

Nagsagawa rin ang NHA ng ceremonial distribution ng Certificates of Unit Allocation (CUAs) para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Hinimok ni GM Tai ang mga tatanggap ng proyekto na panatilihing maayos ang kanilang mga tahanan at tiyakin na lugar ng kapayapaan sa loob ng komunidad.

“Ang hiling lamang namin sa ating mga mahal na benepisyaryo: nawa’y alagaan at pagyamanin ninyo ang mga yunit ng pabahay na igagawad po namin sa inyo,” dagdag ni GM Tai.

Bubuuin ang Disiplina Village-Arkong Bato ng 20 five-storey MRBs na magiging permanenteng tahanan ng humigit-kumulang 969 Informal Settler Families (ISFs) na naninirahan sa tabi ng Tullahan River.

Tiniyak ng NHA na ang Disiplina Village-Arkong Bato ay malapit sa mga landmark at pangunahing service providers tulad ng Arkong Bato 3S Center, Arkong Bato National High School, PR San Diego Elementary School, mga talipapa, at iba pa.

Mayroong pitong 7 tapos na mga gusali na bumubuo sa unang dalawang yugto ng nasabing proyekto ang proyekto. Binubuo ang bawat gusali ng 48 housing unit, bawat isa ay may floor area mula 24 sq. m hanggang 30 sq. m.

Nagkaroon ng groundbreaking ang NHA noong Marso 27, 2023 na dinaluhan ni Pangulong Marcos at iba pang opisyal ng gobyerno.

Ang kaganapan ay isa sa mga aktibidad alinsunod sa pagdiriwang ng 28th cityhood anniversary ng Valenzuela City ngayong Pebrero.