Marianito Augustin

Mataas na rating ng kamara sa SWS bunga ng galing si Speaker Martin

204 Views

NAGBIBIGAY pugay tayo sa napakahusay na Speaker sa kasaysayan ng Kongreso na si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez. Dahil sa mataas na rating na nakuha ng Kamara de Representantes sa pamamagitan ng Social Weather Station (SWS) noong December 10-14.

Ang survey result na ito ay nagpapakita lamang kung gaano ka-efficient ngayon ang Kongreso sa ilalim ng liderato ni Speaker Romualdez. Kung saan ay matatawag na “unprecedented” ang kasalukuyang sistema sa Mababang Kapulungan dahil talagang kayod-kayod kalabaw ang ating mga kongresista para maipasa ang mga mahahalagang panukalang batas na makakatulong sa mga Pilipino.

Halimbawa na dito ang isang daang panukalang batas na ipinasa ng Kongreso para maideklara bilang “tourist destination” ang iba’t-ibang lugar sa Pilipinas na napaka-laki ng maitutulong sa ating ekonomiya. Hindi lamang iyan maraming Pilipino ang mabibigyan ng trabaho dahil dito.

Kung ang lahat ba ng mga mambabatas ay katulad nina Speaker Romualdez at Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na napaka-sipag at may malasakit sa bayan. Hindi malayong mangyari na umunlad ang bansa katulad ng ibang mayayamang bansa.

Hindi man tayo maging isang “super power” na bansa gaya ng Amerika, China at iba pang bansa. Yun lamang umangat ang ating ekonomiya lalo na sa larangan ng turismo ay isa ng napakalaking bagay. Kaya ito ang kitang kita sa survey ng SWS dahil sa mahusay na pamumuno ni Speaker Romualdez.

Ang pagiging isang kongresista kasi ay hindi lamang nadadaan sa palakasan ng impluwensiya. Kundi sa pagkakaroon mo ng puso para sa taongbayan. Marami na akong nakilalang mga Congressman dati. Pero ibang klase talaga sina Congressmen Barbers, Romero, Madrona at Speaker Romualdez.

Nararamdaman ko na mayroon silang damdamin para sa kalagayan ng ating mga kababayan lalo na ang mga mahihirap. Kaya ngayon ay talagang napaka-bango na ng imahe ng Kongreso dahil sa kanilang malasakit para sa taongbayan.

BARBERS SUPORTADO ANG FINDINGS NI DILG SEC. BENHUR ABALOS

Sinusuportahan ni Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos na may malawakang pagtatangka na pagktapan ang pagkakasangkot ni dating Police Sergeant Rodolfo Mayo sa illegal drugs.

Malakas ang paniniwala ng ating kaibigan na si Congressman Ace Barbers na mayroong malalaking tao o isang sindikato ang nasa likod nitong si Sergeant Mayo. Hindi naman siguro ganoon ka-tanga itong si Mayo na mag-operate ng isang malakihang “drug operation” kung nagso-solo lang siya.

Kaya naman puspusan ang masipag at napaka-bait na kongresista ng Surigao del Norte na halukayin ng husto ang misteryo sa pagkakasangkot ni Mayo sa malawakang drug operation na nangyari noong Oktubre ng 2022. Kung saan ay 1 tonelada ng recycled shabu ang nakumpiska sa kaniya.

Kahit batang paslit ay hindi maniniwala na walang nagmamanipula kay Sergeant Mayo. Kaya ito naman ang sinisikap halukayin ng Komite ng butihing mambabatas na napaka-sipag sa pagpuksa sa paglaganap ng illegal na droga. Dahil ang nakakagulat ay mismong mga law enforcers natin ay sangkot sa illegal drugs.

Mabuti na lamang ay mayroon tayong mga katulad ni Congressman Ace Barbers na hindi natatakot sagupain ang mga taong nasa likod ng paglaganap ng illegal na droga sa Pilipinas katulad ng kaniyang yumaong ama na si dating Senator Robert “Bobby” Barbers. Kaya kaabang-abang ang mga susunod na pangyayari.

Congressman Ace, ituloy niyo lamang po ang inyong krusada at advocacy laban sa illegal drugs. Kayo po ang pag-asa ng ating mga kabataan na nalululong sa ganitong masamang bisyo. Dalangin ko ay patnubayan kayo ng Panginoon sa mabuting ginagawa niyo para labanan ang salot na illegal drugs.

TUGON NI CONGRESSMAN MIKEE ROMERO SA OIL PRICE HIKE

Iminungkahi ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na magkaroon sa Pilipinas ng tinatawag na “strategic fuel reserve system” bilang paghahanda sa panahon na muli na naman magkaroon ng nakaka-stress na “oil price hike” na masyadong nagpapahirap sa mga Pilipino.

Ano ba ang ibig sabihin ng panukalang batas ni Congressman Romero? Ito ay ang pagkakaroon ng “stockpile” o imbakan ng mga gasolina kabilang na ang krudo at langis sa isang “storage facilities” para duon naka-imbak ang mga supply para sakaling magkaroon ng krisis ay duon sila makakuha ng gasoline products na maaaring mas mababa ang presyo.

Hindi naman siguro libre ang gasolina dito. Pero kahit papaano ay mas mababa ang presyo nito kung ikukumpara m osa presyo ng tinatawag na “Big 3” at iba pang small players. Kahit pa sabihing small players ang mga iyan, kahit papaano ay mabigat parin sa bulsa ang oil price increase.

Napakahirap kumita ng pera lalo na para sa mga ordinayrong mamamayan na walang inaasahan. Kaya kahanga-hanga ang ginawa ni Congressman Romero na ihain ang panukalang batas na ito (House Bill No. 332) para kahit papaano ay maibsan ang kalbaryo ng mga motorista.

Matagal na panahon na rin akong nagko-cover sa Kongreso mula pa noong 1995. Aaminin ko na ngayon lang ako nakakita ng mga kongresista na kagaya nina Congressmen Ace Barbers at Mikee Romero na ang laging iniisip ay ang kapakanan ng ating pobreng mamamayan.

Noong araw kasi ang imahe ng Kongreso ay pugad daw ng mga TRAPO o Traditional Politician. Pero ngayon ay talagang napakalaki na ng ipinagbago ng imahe Kamara sa ilalim ng pamununo ng napaka-sipag at magaling na House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez.

Salamat po