Calendar
Mataas na trust rating ng OFW Party List gagawing inspirasyon ni Magsino
๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ถ๐ป๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ ๐ข๐๐ช ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐๐ฎ “๐๐ฒ๐น ๐ ๐ฎ๐ฟ” ๐ฃ. ๐ ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐๐ต๐ฎ ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฟ๐๐๐ ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ผ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ช๐ฒ๐ฎ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐ฆ๐ช๐ฆ).
Ayon kay Magsino, pagkatapos makakuha ang OFW Party List ng 71% trust rating mula sa publiko, mas lalo pa nitong pagsisikapan ang paglilingkod para isulong ang interes at kagalingan o welfare ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kasama na ang pagsusulong sa kapakanan ng mga Pinoy seafarers.
Sa nasabing SWS survey, naitala ang OFW Party List group sa ika-20th position bilang pinapaborang Party List sa bansa. Ang OFW Party List din ang ika-17 mula sa 125 pagpipiliang Party List ng mga respondents batay sa isinagawang survey ng SWS kamakailan.
“It is such humbling experience to feel the trust of our kababayans. As the main objective of OFW Party List is to serve the people, our constituents, especially our OFWs and their families,” sabi ni Magsino.
Dahil dito, ipinaliwanag pa ng kongresista na dahil sa malaking tiwala ng publiko, mas lalo pa nitong pagbubutihin ang kaniyang trabaho bilang mambabatas sa pamamagitan ng paghahain ng mga makabuluhang panukalang batas na tutugon sa mga pangangailangan ng mga OFWs at Pinoy seafarers.
“Ang tiwala ng publiko sa amin sa OFW Party List ay isang inspirasyon para lalo pa kaming magsumikap sa paghahain ng mga panukalang batas sa pagbibigay serbisyo o paglilingkod sa mga OFWs at seafarers,” wika pa ni Magsino.