Pic6

Mataasnakahoy police tumanggap ng Certificate of Recognition mula BPPO

67 Views

Pic7

ANH Mataasnakahoy Municipal Police Station, sa pamumuno ni PMaj. Genaro Magmanlac, ay tumanggap noong Martes ng Certificate of Recognition mula sa Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni PCol. Oliver Ebora, provincial director.

Kinilala ang Mataasnakahoy MPS bilang Rank No. 1 sa kategoryang “Most Number of Arrested Wanted Persons” sa ilalim ng Class “C” Municipal Police Station ng Provincial Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) na isinagawa mula Oktubre 15–31.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon, paninindigan at kahusayan sa operasyon ng mga kapulisan ng nasabing bayan sa pagpapaigting ng mga operasyon laban sa krimen, pagtugis sa mga taong hinahanap ng batas, at pagtiyak na ang mga lumalabag sa batas ay mahuhuli.

Ang tagumpay na ito ay nagsisilbing panibagong inspirasyon para sa bawat miyembro ng Mataasnakahoy MPS upang itaguyod ang propesyonalismo, integridad, at kahusayan sa paglilingkod sa bayan.