Calendar
Matapos ang pagsuko sa NBI ni Sarah Discaya, 8 pa
PERSONAL na nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang contractor na si Sarah Discaya matapos magbigay ng pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maglakabas ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa kanyang kaugnayan umano sa maanomalyag sa flood control projects..
Si Discaya ay nagtungo sa opisina ng NBI sa Pasay City bandang 11:00 ng umaga, habang inaantay nito na maglabas ang warrant of arrest laban sa kanya.
Sa pahayag ni Pangulong Marcos na inaasahang lalabas ang warrant kay Sarah Discaya sa linggong ito.at hindi na rin magtatagal ang pag-aresto sa kanya,” sabi ni Pangulong Marcos.
Matatandaan na ang mag asawang Sarah at Pacifico Discaya ay nasasangkot sa mga anomalya sa flood control projects.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos na may walo pang tauhan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Davao Occidental na nagpadala ng sulat na nagsasaad na gusto na rin nilang sumuko sa NBI dahil sa kanilang kaso kaugnay ng anomalya sa flood control.
Si Discaya ay kabilang sa siyam pang iba na nahaharap sa kaso ng diumano’y malversation of public funds at paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, kaugnay ng P96.5-milyong ghost flood control project sa Barangay Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Kamakailan ay nagpakita ng intensyon ang mag-asawa na maging state witnesses sa imbestigasyon, subalit sinabi ng Office of the Ombudsman na wala silang pagkakataong maging saksi dahil sa malalim nilang pagkakasangkot sa anomalya. Huminto rin sila sa pakikipag-ugnayan sa Department of Justice.
Gayunpaman kasalukuyan pa rin nasa himpilan ng NBI si Sarah Discaya at posibleng lumabas na ang kanyang warrant of arrest at maisilbi sa kanya ng personal.

