Calendar
Zaldy Co kinansela na passport — Pangulong Marcos
“MAIBABALITA ko po sa inyo na ang passport po ni Zaldy Co ay kanselado na.”
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pasaporte ni Zaldy Co ay kanselado na habang nagpapatuloy ang pag-iimbestiga sa umano’y iregularidad na kinasasangkutan niyang mga flood control project.
Ayon sa Pangulo, inatasan na niya ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Philippine National Police (PNP) na makipag-ugnayan sa mga embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa upang matiyak na hindi makakatakas o makakapagtago sa ibang bansa ang taong hinahabol ng mga awtoridad.
“Kaya ininstructionan ko na ang Department of Foreign Affairs, pati ang PNP, na makipag-ugnayan sa ating mga embassies, sa iba’t ibang bansa, para tiyakin na hindi maaaring magtago itong ating hinahabol na magtago doon sa kanilang bansa,” ani Pangulong Marcos.

