DOTR Source DOTr

Matinding traffic sa Mindanao-Tandang Sora Ave asahan mula Sept 7–DOTr

Jun I Legaspi Sep 6, 2024
81 Views

MATINDING traffic ang inaasahan sa kahabaan ng Mindanao Avenue mula Congressional Avenue hanggang Tandang Sora Avenue dahil sa construction ng Tandang Sora station ng Metro Manila Subway Project (MMSP) simula sa Setyembre 7.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), maaaring dumaan ang mga light vehicles sa 4-lane diversion road sa pagsasara ng southbound lane ng Mindanao Avenue.

Pinapayuhan ng DOTr ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang mabawasan ang traffic gridlock sa lugar ng konstruksyon at asahan na rin ang matinding abala na idudulot nito.