Huli

May boga nagtago sa eskinita, nasilo

Edd Reyes Apr 1, 2025
18 Views

Huli1KWINELYUHAN ng mga pulis ang 30-anyos na lalaki ng matiyempuhang sinusuri ang dalang baril noong Martes sa Caloocan City.

Hindi namalayan ni alyas John-John ang paglapit sa kanya ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals dakong ala-1:05 ng madaling araw na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Iniulat ni Col. Canals kay Northern Police District (NPD) director P/BGen. Josefino Ligan na habang nagsasagawa ng anti-criminality routine patrol ang kanyang mga tauhan, naispatan nila ang suspek sa madilim na eskinita habang sinusuri ang hawak ng baril.

Nakumpiska ng mga pulis ang baril sa suspek ang kalibre .38 revolver na may apat na bala.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at election gun ban ang suspek.