Calendar
Nagkaroon ng tensyon ang mga pulis at mga residente sa Brgy. 227, Abad Santos, Tondo dahil sa demolisyon sa kanilang mga tahanan.
JONJON C. REYES
Metro
MPD-7 sumaklolo, tinuldukan tensyon sa demolisyon sa Tondo
Jon-jon Reyes
May 23, 2025
681
Views
NAGKAROON ng tensyon sa pagitan ng mga residente at ng demolition team sa Jose Abad Santos Avenue sa Brgy. 227, Zone 21, Tondo, Manila noong Huwebes.
Dahil dito sumaklolo sina Police Major Honey Hanziel Jose, OIC ng Jose Abad Santos Police Station 7, Police Captain Ryan Jay Balagtas at Police Major Dino para pahupain ang tensyon bandang alas-2:20 ng hapon.
Walang nasaktan sa pagitan ng mga residente at ng demolition team ng Manila City Hall.
Sa report ni Police Major Philipp Ines, hepe ng MPD Public Information Office, humigit-kumulang sa 20 pamilya ang apektado ng demolition.
Pinuri ni MPD director Police Brigadier General Bonifacio Guzman ang mga pulis.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

